Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 362,700 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng bansa sa Amerika.
Dakong alas-9 kagabi nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang mga bakuna, kung saan 50,310 nito ay una nang lumapag sa Cebu dakong alas-6:35 kagabi.
Nasa 50,310 doses naman ang nakatakdang i-deliver sa Davao ngayong araw.
Dinala na ang mga bakuna sa Pharmaserv Express sa Marikina City.
Sa ngayon, kailangan na lamang mag-apply ng Pfizer sa Food and Drug Administration (FDA) upang makakuha ng full approval sa Pilipinas.
Una nang binigyan ng full approval ang Pfizer ng Estados Unidos para magamit sa mga edad 16 pataas.
Facebook Comments