Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 365,040 doses ng Pfizer vaccine na binili ng bansa mula sa US.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, alas-8 kagabi nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 313,560 doses ng bakuna.
Una na ring dumating ang 51,480 doses ng Pfizer vaccine sa Cebu dakong alas-6 din ng gabi, para sa kabuuang 365,040 doses nito.
Personal na sinalubong nina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at United States Chargé d’Affaires John Law ang mga bakuna.
Dinala ang mga bakuna sa Pharmaserv Express storage facility sa Marikina City.
Facebook Comments