Mahigit 3,700 pamilya, apektado ng Bagyong Bising —OCD

Umabot na sa 3,773 pamilya ang apektado ng Bagyong Bising.

Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD), katumbas ito ng 13,006 indibidwal mula sa Ilocos Region (Region I), Cordillera Administrative Region (CAR), at Cagayan Valley (Region II).

Posible pa raw madagdagan ang naturang bilang dahil ito ay paunang ulat pa lamang mula sa mga field office ng OCD.

May mga naitalang pagbaha sa Regions I, II, at III bilang epekto ng bagyo. Wala pa namang naiuulat na nasawi o nawawala sa pananalasa ng Bagyong Bising.

Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo noong Biyernes.

Facebook Comments