Mahigit 37,000 indibidwal, apektado ng pagsabog ng Kanlaon sa Western at Central Visayas

Umaabot sa 10, 993 pamilya o katumbas ng 37, 699 indibidwal ang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon nitong Lunes.

Sa presscon ng Office of Civil Defense, sinabi ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Director Chris Mathay na ang mga apektado ay mula sa 23 barangay sa Western at Central Visayas.

Sa nasabing bilang, 3,723 pamilya o 12, 378 katao ang nananatili sa 29 na mga evacuation center sa nabanggit na rehiyon habang ang 585 na pamilya o 2,150 indibidwal ang pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak.


Sa ngayon, nakapagpamahagi na ang DSWD ng 4,736 family food packs sa Canlaon City na nagkakahalaga ng P3.2-M.

Maliban dito ay nakapagbigay na rin ang ahensya ng hygiene at sleeping kits sa mga bakwit.

Sa ngayon, sinabi ni Mathay na mayroong sapat na pondo ang DSWD para tuloy-tuloy na umagapay sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Kanlaon.

Facebook Comments