Mahigit 37,000 kabahayan sa Bicol Region winasak ng magkakasunod na bagyo

Sinira ng magkakasunod na bagyo ang mahigit 37,000 na kabahayan sa Bicol Region.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa kabuuang 37,435 na kabahayan, 29, 329 ang partially damaged habang 8, 106 ang totally damaged na kabahayan.

Bukod dito, 12,596 na kabahayan ang nasira sa Region 2 o Cagayan Valley, 2, 417 sa Region 3 o Central Luzon, 378 sa Cordillera Administrative Region, 103 sa CALABARZON, at 58 sa Region 1 o Ilocos Region.


Samantala, nagpapatuloy ang assessment ng mga local na disaster risk reduction and management office sa iba pang mga pinsalang dulot ng bagyo.

Facebook Comments