Mahigit 39,000 indibidwal, apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga naaapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Base sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sumampa na sa 10,167 pamilya o 39,045 na indibidwal ang apektado kung saan mula ang mga ito sa 26 na barangay sa Region 5.

Sa nasabing bilang, 5,466 na pamilya o 18,904 ang pansamantalang nanununuluyan sa 28 mga evacuation center habang ang nasa mahigit 1,000 katao ay mas piniling makituloy sa kani-kanilang mga kamag-anak.


Samantala, nasa 628 na mga indibidwal ang nasaktan dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkan bagama’t ito ay for validation pa.

Maliban dito, inilikas din ang 908 na mga hayop upang mailayo din ang mga ito mula sa panganib na dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Facebook Comments