Apektado na ngayon ng pananalasa ng bagyong ramon ang mahigit 3000 indibidwal.
Sa huling monitoring ng NDRRMC, umabot na sa mahigit 3,479 mga indibidwal o katumbas ng mahigit 800 pamilya sa Region 2 at Region 5 ang apektado ng sama ng panahon.
Sa bilang na ito mahigit 1,000 indibidwal o katumbas ng halos 300 pamilya ang tumutuloy sa mga temporary shelter sa 20 evacuation center.
May 16 na bahay na rin ang nasira dahil sa sama ng panahon, pito rito ay totally damaged habang ang syam na bahay at partially damaged
Mayroon namang 19 na road sections at tulay sa Region 2, Region 5 at Cordillera Region ang binaha at pahirapan ngayon ang pagdaan ng mga sasakyan.
Facebook Comments