Sa pamamagitan ng Humanitarian and Development Assistance Program (HDAP) ng ARMM government ay abot sa 4, 000 magsasaka ang inaasahang makakabenepisyo ng fisheries-based livelihood projects.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-ARMM executive director Janice Musali, ang mga residenteng umaasa sa pangingisda mula sa second district ng Maguindanao ay aalalayan ng livelihood projects upang matulungan silang madagdagan ang kanilang kinikita at mai-angat ang estado ng kanilang pamumuhay.
Ang mga proyekto sa pangingisda ng HDAP-ARMM ay ipatutupad ng BFAR-ARMM sa 15 mga bayan sa Maguindanao na nakapaloob sa SPMS box, kabialang ang Shariff Aguak, Pagatin (Datu Saudi), Mamasapano at Shariff Saydona.
“Aabot ng 4,351 na fisherfolk ang makakatanggap at makikinabang ng mga proyekto ipatutupad hanggang 2018,” dagdag pa ni Dir. Musali.
Napag-alaman na noong December 31, 2017, 2,535 na mangingisda ang nakabenepisyo na mula sa nabanggit na mga proyekto.
Mahigit 4, 000 mangingisda sa Maguindanao, makakabenepisyo sa HDAP projects!
Facebook Comments