Mahigit 4.7 milyong consumers ng mga electric coop, apektado ng pananalasa ng Bagyong Uwan —NEA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga consumer ng iba’t ibang electric cooperative o EC na apektado ng pananalasa ng Bagyong Uwan.

Ayon sa National Electrification Administration o NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), nasa kabuuang 4,781,180 member-consumer-owners ang apektado ng super typhoon.

Sa ngayon nasa 16 na EC ang nasa normal ng operasyon, 38 ang may partial na operasyon, 26 ang mayroong total power interruption, at dalawa ang wala pang update.

Kabilang sa mga kooperariba ng kuryente sa nakakaranas ng total blackout ang tatlong electric coop sa Ilocos Region, dalawa sa Cagayan Valley, lima sa Central Luzon, apat sa Cordillera Administrative Region, 11 sa Bicol Region, at isa sa Eastern Visayas.

Patuloy pa rin namang mino-monitor ng DRRM sa sitwasyon ng 82 electric coop sa 51 probinsiya sa 12 rehiyon sa buong bansa.

Nasa P113,308 naman ang inisyal na pinsala sa mga pasilidad ng iba’t ibang EC na tinamaan ng bagyo.

Facebook Comments