Mahigit 4-M indibidwal, naapektuhan ng nagdaang El Niño phenomenon

Sa kabila ng deklarasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng opisyal na pagtatapos ng El Niño phenomenon sa bansa.

Nadagdagan pa rin ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng El Niño.

Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 1.2 milyong pamilya o katumbas ng mahigit 4.6M indibidwal ang apektado mula sa 5,654 na barangays sa Regions 1, 2, 3, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, MIMAROPA, BARMM at CAR.


Pinakamaraming bilang ng mga apektado ang naitala sa Region 6 o Western Visayas na may mahigit 1.8 milyong indibidwal na sinundan naman ng Region 12, BARMM, MIMAROPA at Region 9.

Nasa kabuuang 432 mga siyudad at munisipalidad ang nasa ilalim ngayon ng State of Calamity dahil sa tagtuyot.

Sa datos pa ng NDRRMC, mahigit P1.1 bilyon na ang naipamahaging tulong ng pamahalaan sa mga apektado kabilang ang financial assitance, food at non-food items, hygiene kit at maraming iba pa.

Facebook Comments