Mahigit 4-M senior citizens at centenarians, nakatanggap ng pensyon mula sa DSWD ngayong 2024

Nakatanggap ang 4.2 milyong indigent senior citizens at mga centenarian ng kanilang mga pensyon nitong 2024 ayon sa huling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na nagsimula na ang kanilang ahensya na mamahagi ng 1,000 stipend kada buwan alinsunod sa RA 11916 o ang pagtaas ng monthly stipend mula sa 500 pesos.

Nakatanggap din ang mga nasa 1,750 na centenarians o ang mga nasa isang daang taong gulang ng 100,000 pesos batay naman sa nakasaad na batas.


Samantala, simula ngayong Enero ng taon ay nasa pamamahala na ng National Commission of Senior Citizens ang implementasyon ng Centenarian Act batay naman sa mandato ng RA 11350.

Facebook Comments