Mahigit 40 illegal recruitment agencies, ipinasara ng DMW

Umaabot na sa mahigit 40 illegal recruitment agencies ang naipasara ngayong taon ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay DMW Usec. Bernard Olalia, nasampahan na rin aniya nila ng kaso ang mga ito at tinututukan nila ang pag-usad ng asunto.

Sinabi ni Olalia na may mga sinu-surveillance pa silang illegal recruitment agencies.


Kabilang sa kanilang tinututukan ang illegal manning agencies na nag-re-recruit sa Pinoy seafarers.

Mahigpit din aniya ang kanilang ugnayan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Facebook Comments