Abot sa 43,774 detainee voters ang asahang boboto sa halalan bukas sa buong bansa.
Ayon kay BJMP Jail Chief Inspector Xavier Solda, lahat ng Jail Facilities ay nakahanda na sa halalan at may koordinasyon na sa Comelec.
Simula kahapon itinaas na ng Bureau of Jail Management and Penology ang Red Alert Status sa lahat ng pasilidad nito sa bansa.
Binuo na rin ang BJMP Task Force Halalan sa pangunguna ni BJMP OIC Jail Supt Allan Iral na layong imonitor at pangasiwaan ang botohan at iba pang kahalintulad na aktibidad sa mga Jail Units.
May binuksan na rin silang hotlines sa National Headquarters para mabilis ang ugnayan sa Comelec.
Bukod dito magdedeploy din ng Special Tactics and Response Team ang BJMP para sa augmentation sa mga Jail Facilities kung kinakailangan.
Hinati sa dalawa ang botohan ng mga preso, isang on site voting at off site voting.
Sa on site voting, dadalhin ang mga preso sa kanilang presinto para bomoto at sa kabuuan ay umaabot sila sa 40,941.
Habang ang off site voting ay gagawin sa mga bilangguan at nasa 2,833 ang kabuuang bilang ng mga inmates.
Paglilinaw ng BJMP, maaari lamang iboto ng mga preso ang mga kandidato sa National Elective Positions.