Binabantayan ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 46 na lugar sa bansa matapos ang halos isang linggong pag-arangkada ng election campaign period sa mga national position.
Sinabi ni AFP spokesperson Col. Ramon Zagala, na tinututukan nila ang 7 lungsod at 39 na bayan dahil sa posibleng pag-usbong ng election-related violence.
Bagama’t hindi pinangalanan ni Zagala, ang mga lugar ay sinabi nitong karamihan sa mga ito ay mula sa Mindanao.
Ngayon pa lang aniya ay may naitatala na silang tensyon sa local election race kung saan may ilang kandidato na ang pinatay.
Matatandaang nagsimula na ang campaign period sa mga national candidates noong February 8 habang nakatakda naman sa March 25 ang pag-arangkada ng kampanya sa local position.
Facebook Comments