Mahigit 40 lugar sa QC, isinailalim sa lockdown area

Inihayag ng Quezon City government na maraming lockdown areas sa QC ang binuksan na ng pamahalaang lungsod.

Ayon sa QC government, sa ngayon nasa 49 na lang ang nanatiling naka-lockdown at tinatapos ang mandatory 14-day quarantine ng mga residente.

Base sa huling datos ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU), bumaba na rin sa 9,089 ang active COVID cases sa lungsod.


Maaari pang magbago ang bilang ng mga kaso dahil sa isinasagawang community-based testing.

Facebook Comments