Mahigit 40 na lugar sa Quezon City, naka-lockdown dahil sa COVID-19

64

Umakyat na sa 42 lugar ang kasalukuyang tinututukan kung saan ang huling naidagdag sa talaan ay ang Ocampo Street, Barangay UP Campus na isinailalim sa 14-day Special Concern Lockdown dahil sa kaso ng COVID-19.

Ayon sa Quezon City Local Government Unit (QC-LGU), lahat umano ng apektadong pamilya sa lugar ay sasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine o higit pa kung kinakailangan.


Napag-alaman na hanggang kahapon nasa 7,010 o 8.4% ang active cases ng COVID-19 sa lungsod mula sa 83,512 na kumpirmadong kaso.

Umaabot naman sa 75,494 o katumbas ng 90.4% ang mga gumaling na sa sakit sa COVID-19 habang pumalo na sa 1,008 ang mga binawian na ng buhay.

Facebook Comments