Nagpapaabot ng pasasalamat si San Juan City Mayor Francis Zamora sa lahat ng mga frontliners kabilang ang mga doktor at nurses upang matagumpayan ng 48 pasyente na gumaling sa COVID 19.
Ayon kay Mayor Zamora, malaki ang naiaambag ng mga frontliners dahil sa 9 na araw ng sunod-sunod na walang naitatalang nasawi na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan.
Paliwanag ng alkalde, bumaba rin aniya ang kaso nila ng mga positibo sa COVID-19 at malamang nalampasan na ang peak ng transmission ng COVID-19 sa San Juan City dahil napako lamang sa 35 ang bilang ng mga nasawi at kabuuang 227 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.
Giit ni Zamora, patuloy naman ang ginagawa ng Lokal na Pamahalaan na palawakin pa ang pag-test sa mga may sintomas, mga suspected case na may direct exposure, at mga frontliners na maaaring magpataas muli ng bilang ng mga kumpirmadong kaso sa San Juan sa mga darating pang araw.