Umabot na sa 40.79% ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nakatanggap na ng booster shot laban sa COVID-19.
Ito ay katumbas ng 89,119 na indibidwal.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, patuloy ang pagtuturok ng booster shot sa kanilang hanay upang magkaroon sila ng dagdag na proteksyon laban sa virus.
Ayon pa sa ulat ng PNP na 97% o katumbas ng 218,487 nilang mga tauhan ang fully vaccinated.
May 5,798 na mga tauhan nila ang nag-aabang pa ng schedule para sa 2nd dose habang mayroong 917 na hindi bakunado dahil sa iba’t ibang dahilan.
Facebook Comments