Mahigit 400 baboy, isinailalim sa culling Isabela

Cauayan City, Isabela- Isainailalim sa disinfectant ang 2 slaughter house sa magkahiwalay na bayan ng Echague at Roxas makaraang makitaan ng African Swine Fever (ASF) virus.

Ito ay batay na rin sa naging rekomendasyon ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA) Region 2 na pansamantalang ipasara.

Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Angelo Naui, ilan sa nakikitang dahilan ng pagkalat ng virus sa probinsya ay sa posibleng kontaminasyon ng mga nakakalusot umano sa entry checkpoint na mga fozen o processed meat products.


Noong nakaraang linggo, muling isinailalim sa culling ang nasa mahigit 400 baboy sa iba’t ibang bayan ng Quezon, Roxas, Mallig, Aurora, Luna at Ramon.

Patuloy naman ang koordinasyon ng DA sa lahat ng Provincial Veterinary Office para matiyak na maiiwasan ang pagkalat ng sakit ng baboy.

Facebook Comments