Abot sa 403 barangays na ang napagsilbihan ng Health, Education, Livelihood, Peace and Governance and Synergy (HELPS) program ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) mula nang itatag ito noong 2013.
Ilan sa mga serbisyo na tinatamasa ng mga benepisyaryo ng ARMM-HELPS ay barangay health stations, mga gamot, birthing supplies at mga kagamitan para sa health component nito, nagtatayo din ito ng flea markets at water systems, sumusuporta sa livelihood cooperative development.
Kabilang din ang pagpapa-unlad sa madaris curriculum bilang kasangkapan sa paglaban sa violent extremism, construction ng community learning centers at study tour para sa mga guro.
Ang ARMM-HELPS – ang banner program ng rehiyon sa ilalim ng administrasyon ni Gov. Mujiv Hataman .
Sinabi ni ARMM-HELPS program manager Anwar Upahm, involved ang komunidad sa buong proseso ng paggawa ng mga proyekto at sila ang tumutukoy sa mga ito, ito ang dahilan kung bakit hindi sila nagpapatupad ng mga proyekto na hindi naisangguni sa grassroots.
Sa pamamagitan ng pag-asiste sa mga lokalidad sa pagbalangkas ng kanilang Barangay Development Plans, makakatiyak na ang lahat ng concerns ay natatalakay pati na economic, health at educational needs, dagdag pa ni Upahm.
Mahigit 400 barangays, nakabenepisyo sa anti-poverty program ng ARMM!
Facebook Comments