Mahigit 400 Filipino community leaders sa Israel, pinulong ng Philippine Embassy kaugnay ng security situation sa Israel

Pinulong ni Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr., ang mahigit 400 Filipino Community (FilCom) leaders, coordinators, at members sa Israel.

Kaugnay ito ng security situation sa nasabing bansa.

Pinayuhan sila ni Ambassador Laylo na i-prioritize ang kanilang kaligtasan at maging alerto sa lahat ng oras.


Nagbigay ng security assessment briefing via online si Defense and Armed Forces Attache Colonel Rey Gubantes, kung saan ipinaalam sa FilCom leaders ang kasalukuyang sitwasyon sa Israel at iba pang maaaring mangyayari sa mga susunod na mga araw.

Pinayuhan din ang lahat ng Pinoy sa Israel na mag-antabay sa Facebook page ng Embahada para sa safety advisories at iba pang mahahalagang anunsyo na ilalabas tungkol sa security situation sa nasabing bansa.

Facebook Comments