Mahigit 400 flights, kanselado na hanggang bukas dahil sa epekto ng Bagyong Uwan; ilang paliparan sa bansa nakaranas ng minimal damage dahil sa bagyo

Kanselado na ang ilang domestic at international flights hanggang bukas dahil sa nararanasang sama ng panahon dulot ni Bagyong Uwan.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, mahigit 400 ang kinansela na dahil sa “unfavorable weather” kabilang na ang biyahe sa Central Luzon at Visayas.

Sa kabila nito, wala namang naitalang stranded na pasahero dahil agad silang naabisuhan bago pa man ang suspensyon ng flight.

Samantala, nakapagtala naman ng minimal damage ang ilang paliparan na pinangangasiwaan ng CAAP.

Agad namang nagsagawa ng clearing operation o pagsasaayos ang airport personnel at mga awtoridad.

Samantala, inabisuhan naman ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline company para sa refund o rebooking ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments