Tuesday, March 31, 2026

Mahigit 400 gas stations na nagsara, dapat isailalim sa audit

Iminungkahi ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano na isailalim sa audit at inspeksyon ang mahigit 400 gas stations na nagsara sa bansa.

Sabi ni Valeriano, mahalagang masuri ang records of deliveries ng naturang mga gasolinahan, pati rin ang kanilang fuel inventories, at pagsunod sa pagbibigay ng tamang pasweldo at benepisyo sa kanilang mga manggagawa.

Layunin ng suhestyon ni Valeriano na matukoy ang tunay na dahilan ng pagsasara ng nabanggit na mga gas stations.

Punto ni valeriano, sa pamamagitan nito ay makikita kung may fuel pa ba o wala na ang naturang mga gasolinahan, kung sila ay sangkot sa hoarding at profiteering at kung sila ay dumanas ng problemang pinansyal.

Diin pa ni Valeriano, kailangan ding matukoy ang nararapat na hakbang kung paano na mapagsisilbihan ang mga customers ng naturang mga gasolinahan na naghinto ng operasyon sa harap ng nararanasang krisis ngayon.

Facebook Comments