Umabot sa mahigit 400 kababaihan sa Dagupan City ang nakinabang sa isinagawang health activity bilang bahagi ng paggunita sa National Women’s Month kahapon, Marso 3, 2026.
Nakapagtala ang City Health Office (CHO) ng kabuuang 862 serbisyong medikal na naibigay sa 425 kababaihang dumalo sa aktibidad.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang 147 prenatal consultation para sa mga buntis at 57 ultrasound procedures.
Samantala, 44 kababaihan ang sumailalim sa VIA test para sa cervical screening, habang 42 ang nagpa-breast examination.
Bukod dito, 147 indibidwal ang nakinabang sa libreng gamot mula sa pharmacy services.
Bahagi ang programa sa paggunita ng lungsod sa National Women’s Month na isinagawa ng CHO katuwang ang mga partner at volunteer ng lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










