Mahigit 400 klase at 300 pasok sa trabaho, suspendido dahil sa Bagyong Egay

Nasa kabuuang 442 mga klase sa paaralan ang nananatiling suspendido ngayong araw dahil sa pananalasa ng bagyong Egay sa ilang rehiyon sa bansa.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), partikular ang class suspensions sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5, 6, 8, Cordillera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR).

Samantala, iniulat din ng NDRRMC na nasa 343 na tanggapan ng pamahalan ang nagsuspinde rin ng pasok sa trabaho.


Ang suspensyon ng pasok sa eskwelahan at trabaho ay bunsod ng naranasang malakas na ulan at pagbaha dulot ng bagyo.

Sa ngayon, nasa 89, 639 pamilya o katumbas ng 328, 356 na katao ang apektado mula sa 836 na barangay sa mga nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments