Umabot sa 472 na mga bagong correction officer at correction technical officer 1 ang grumaduate sa NBP Muntinlupa City.
Ayon kay Senior Inspector Sonny Del Rosario, Bureau Of Correction Public Information Chief, ang bilang na ito ay pumasa sa 6 months rigid training ng Bucor sa sablayan penal colony sa Occidental Mindoro.
Halos 600 ang nagparehistro ngunit ang iba sa kanila ay hindi na tinapos pa ang training.
Sinabi ni Del Rosario na ang mga bagong Bucor Officer ay ikakalat sa pitong penal colony sa bansa bilang karagdagang personnel.
Ito ang unang batch ng Bucor na nagsipagtapos makaraang maisabatas ang Bucor modernization law.
Tatanggap ang bagong correction officer ng monthly salary ng mahigit 29 thousand pesos kung saan inamin ni Del Rosario na kulang pa talaga ang mga personnel ng bucor na magbabantay sa mga penal colony kabilang na ang new bilibid prison.