Panibagong 401 pang mga bilanggo mula sa iba’t ibang kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang lumaya ngayong araw ng Lunes.
Isinagawa ang programa para sa maramihang pagpapalaya ng preso sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City bilang paggunita sa Buwan ng Kababaihan ngayong Marso.
Sa CIW ay umaabot sa 39 na babaeng Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang lumaya.
Nasa 163 PDLs naman ang lumaya mula sa New Bilibid Prisons; 99 sa Davao Prison and Penal Farm; 47 sa Leyte Regional Prison; 29 sa San Ramon Prison and Penal Farm; anim sa Sablayan Prison and Penal Farm; at 18 sa Iwahig Prison and Penal Farm.
Ilan sa mga lumaya ay dahil sa parole kung saan 65 ang napawalang-sala, sampu ang probation at ang 100 ay dahil sa Good Conduct Time Allowance.
Ayon sa BuCor, mula noong Hulyo ng nakaraang taon ay kabuuang 4,993 PDLs na ang nakalabas sa iba’t ibang piitan ng BuCor.