Mahigit 400 police dogs, ipakakalat ng PNP ngayong holiday season

Maliban sa mga pulis na nakakalat ngayong magpapasko, nagpakalat na rin ang Philippine National Police (PNP) ng mga service police dogs.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, aabot sa 436 na police service dogs ang kanilang idineploy.

Sa naturang bilang, 364 ang explosive detection dogs habang ang nalalabi ay sinanay sa paghahanap ng iligal na droga.


Ipinakalat ang mga aso sa iba’t-ibang bahagi ng bansa partikular na sa mga matataong lugar katulad ng mga terminal, airports at mga pantalan.

Malaki kasi ang kanilang maitutulong sa pagbabantay ng seguridad para hindi malusutan ng anumang kontrabando.

Nabatid na simula December 15 ang PNP ay isasailalim na sa full alert status kasabay ng pagsisimula ng traditional na Simbang Gabi.

Facebook Comments