Mahigit 400 sibilyan lumikas sa engkuwentro ng 2 Moro fronts sa bayan ng Matalam North Cotabato

Abot 400 katao na nagmula sa Brgy. Marbel sa bayan ng Matalam North Cotatbato ang lumikas matapos sumiklab ang labanan sa pagitan ng dalawang Moro fronts kamakalawa ng gabi.
Ang mga nagsilikas ay nagmumula sa Purok Tagumpay 1, 2 at Purok Krislam sa takot na madamay sa palitan ng putok.
Ang mga naglalaban ay mula sa grupo ng 108th base command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ilalim ng isang Haji Mansur Imbong na may suporta mula sa pwersa ng 110th base command ng MILF sa ilalim ng isang Pong Unsil at ang kalaban mula sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa ilalim ng isang Kumander Tato Manial.
Noong nakaraang taon ay nagkaenkuwentro din ang dalawang grupo na nagresulta sa paglikas ng maraming sibilyan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments