Mahigit 4,000 barangay, posibleng bahain dahil sa Bagyong Ofel ayon sa NDRRMC

Pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa lugar na tutumbukin ng Bagyong Ofel.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, inalerto na nila ang mga Local Government Unit (LGU) at mga ahensya ng pamahalaan tungkol sa posibleng epekto ng sama ng panahon.

Nakapagsagawa na rin sila ng PDRA o Pre-Disaster Risk Assessment.


Batay sa pagtataya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Mines and Geosciences Bureau, mahigit 4,000 na mga barangay ang posibleng bahain sa pananalasa ng Bagyong Ofel.

Ito yung mga barangay na nasa mabababang lugar at maaari ring makaranas ng landslides.

Paalala naman ng NDRRMC sa mga LGU, na rumesponde sa epekto ng bagyo na nasusunod ang new normal ngayong may COVID-19.

Facebook Comments