Mahigit 4,000 disciplinary cases ng mga pulis, naresolba ng PNP

Umaabot na sa 4,082 disciplinary cases ng mga pulis ang naresolba ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, ang datos ay mula Enero 1 hanggang katapusan ng Agosto ng taong kasalukuyan.

Ang mga naresolbang kaso ay nagresulta sa 935 dismissal sa serbisyo, 242 demosyon, 1,850 suspensyon, 159 forfeitures of salary, 680 reprimand, 110 restrictions, at 106 pag-withhold ng benepisyo.


Ani Fajardo, isang malaking hakbang sa pagsisikap ng PNP na masigurong tumatalima ang kanilang mga tauhan sa pinakamataas na antas ng propesyonalismo at integridad.

Ito ay nagsisilbi na rin aniyang babala sa mga pulis na mapatunayang sangkot sa ilIgal na aktibidad na mahaharap sila sa kaukulang parusa.

Facebook Comments