Mahigit 4,000 ektaryang lupain, ipinagkaloob ng DAR sa mga dating supporter ng NPA

Opisyal nang naipamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mahigit 4,000 ektaryang lupain sa mga dating supporter ng New People’s Army (NPA) sa Cotabato.

Kabilang sa mga ipinamahaging lupa ay mga dating reservation areas sa ilalim ng University of Southern Mindanao at Cotabato Foundation College of Science and Technology sa Cotabato.

Ang reserved areas ay nakapaloob sa anim na barangays ng bayan ng Arakan at isang barangay sa President Roxas sa Poblacio ng Arakan.


Pinangunahan mismo ni DAR Secretary John Castriciones ang distribusyon ng titulo o Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) sa may 3,035 farmer-beneficiaries na karamihan ay tumutulong noon sa NPA.

Ayon kay Castriciones, wala nang dahilan para itaguyod ng mga magsasaka ang armadong pakikibaka dahil mapagyayaman na nila ang lupang ninuno na kanilang ipinaglalaban.

Facebook Comments