Mahigit 4,000 insidente ng paglabag sa karapatang pantao ng NPA, isinumite ng militar sa CHR

Isinumite ni Armed Forces of the Philippines Center for Law of Armed Conflict Director Brig. Gen. Joel Alejandro Nacnac sa Commission on Human Rights (CHR) ang listahan ng mahigit 4,000 naitalang insidente ng paglabag sa karapatang pantao ng New People’s Army (NPA).

Ang listahan ay tinanggap ni CHR Chairman Richard Palpal-Latoc.

Kabilang dito ang mahigit 2,400 insidente mula 1968 hanggang 2009; at mahigit 1,700 insidente mula 2010 hanggang 2022 na nauna nang naisumite sa CHR.


Kasama sa report ang umano’y 156 human rights violations ng NPA sa first semester ng 2022 kung saan sa kabuuang 1,886 insidente na ang naitala 2010 hanggang 2022.

Ayon kay Col. Nacnac, ang impormasyong isinumite nila sa CHR ang magiging daan sa pagsasampa ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao at International Humanitarian Law ng mga teroristang grupo.

Facebook Comments