Mahigit 4,000 katao, Lumabag sa COVID-19 Health Protocol sa Tuguegarao City

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa kabuuang 4,667 ang mga lumabag sa mga ipinapatupad na health protocol sa harap ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19 sa Tuguegarao City, Cagayan.

Batay sa pinakahuling datos ng LGU Tuguegarao, pinagmulta ang nasa 119 na katao dahil sa kawalan ng COVID shield control pass habang 15 katao ang isasailalim sa inquest proceedings at 6 ang for filing dahil sa paglabag sa Art. 151 in relation to RA 11332.

Umabot naman sa 334 katao ang pinagmulta habang 24 katao naman ang for filing a case habang 4 katao ang binalaan dahil sa paglabag sa hindi pagsusuot ng face mask at face shield.


Samantala, sasampahan naman ng kaukulang kaso ang 8 katao dahil sa overpricing na ibinenta nitong medical supplies.

Habang 37 katao ang lumabag sa ipinapatupad na liquor ban ngayong nasa ilalim ng MECQ ang lungsod.

Pinagmulta din ang nasa kabuuang 2,845 katao, 4 ang binalaan habang 180 katao ang ang sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa physical distancing.

Umaabot naman sa mahigit 800 katao ang may paglabag sa ipinapatupad na curfew hour.

Paalala naman ng lokal na pamahalaan na ugaliin na sundin ang ipinapatupad na batas laban sa COVID-19.

Facebook Comments