Umaabot na sa 3,581 na miyembro ng Communist terrorist Group at 502 kasapi ng local terrorist groups ang sumuko sa pamahalaan hanggang sa 3rd quarter ng taong kasalukuyan.
Ito ang iniulat ng Task Force Balik-loob kung saan kabilang sa mga sumuko ay nakatanggap ng mga benepisyo mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ng immediate, livelihood at reintegration assistance.
Samantala, umaabot naman sa 1,794 mga armas ang isinuko mula Enero hanggang noong buwan ng Oktubre.
Sa loob din ng nasabing panahon, nakapagbigay ng Housing Assistance ang National Housing Authority (NHA) sa 67 dating mga rebelde.
Facebook Comments