Mahigit 4,000 krimen na may kaugnayan sa SIM card, naitala ng PNP-ACG

Lumobo sa 4,104 mga krimeng may kaugnayan sa SIM card ang naitala ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Lumalabas na triple ang itinaas nito kung ikukumpara sa 1,415 insidenteng naitala sa parehong panahon noong isang taon.

Kabilang sa mga krimen na ito ay may kinalaman sa electronic wallet apps gaya ng GCash, Paymaya at Coins.ph.


Kung saan 3587 reklamo ang natanggap ng ACG gamit ang GCash, 49 ang sa Paymaya, apat ang sa Coins.ph, 445 ang bank frauds o iyong mga nanloloko gamit ang pangalan ng mga bangko at 18 ang text scams.

Habang mula sa nasabing bilang na paggamit ng mga kriminal ng GCash, 3,422 ang naresolba, 47 ang sa Paymaya, 410 bank frauds, apat na reklamo kaugnay sa mga nanloko gamit ang Coins.ph at ang 18 naiulat na text scams ang nasolusyunan na rin.

Samantala, ang mga hindi naman naitalang naresolba ay nasa ilalim pa ng imbestigasyon at ang iba naman ay nakabinbin ang kaso sa korte.

Facebook Comments