Tatanggap ng food assistance ang mahigit 4,000 construction workers na stranded sa kanilang mga barracks kasunod na rin ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Construction Workers Solidarity o CWS Partylist Rep. Romeo Momo, karamihan sa stranded na construction workers ay nasa Metro Manila, Region 4A at B at sa Central Luzon.
Ito, aniya, iyong mga stay-in sa construction sites na ang iba ay lingguhan lang umuwi sa pamilya habang iyong mga taga-probinsya ay makakaalis lamang sa trabaho pagkatapos ng proyekto.
Pero dahil karamihan sa construction projects ay suspendido bunsod ng lockdown, walang kabuhayan o kahit pambili ng araw-araw na pagkain ang nasbaing mga manggagawa.
Dahil dito, dalawang buwang sahod nito ang kanyang idinonate para makadagdag sa pondo ng kanilang organisasyon sa pagbili ng food items.
Laking pasasalamat din ng mambabatas sa ibang pang opisyal na nagbigay ng tulong sa sektor ng mga construction workers.