Mahigit 4,000 pamilya, inilikas sa MIMAROPA dahil sa Bagyong Ulysses

Inilikas ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) MIMAROPA ang 4,035 na pamilya o katumbas ng 14,012 indibdiwal matapos maapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Sa ulat ni PNP MIMAROPA Spokesperson Colonel Imelda Tolentino, 669 na pamilya ang naitala sa Oriental Mindoro, 375 pamilya sa Occidental Mindoro, 2,948 pamilya sa Marinduque at 43 pamilya sa Romblon.

Sila ngayon ay tumutuloy sa 905 evacuation centers.


55 barko naman ang naitalang nagkansela ng biyahe dahil sa bagyo habang 1,427 indibidwal ay stranded sa Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque at Romblon.

Wala namang naitalang casualties ang PNP MIMAROPA sa buong rehiyon.

Facebook Comments