Mahigit 4,000 pasahero, umuwi sa mga probinsya para gunitain ang Undas – PCG

Umakyat na sa kabuuang 4,890 mga pasahero ang umuwi sa probinsya upang bisitahin ang kanilang mga pamilya at yumao sa buhay ngayong Undas.

Maliban pa ito sa 3,117 papasok sa Metro Manila mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagpakalat na sila ng 15 frontline personnel para inspeksyunin ang mga barko at motorbanca na bibiyahe.


Kabuuan namang 158 vessels ang nainspeksyon ng PCG.

Inilagay na rin ng PCG ang kanilang Districts stations at Sub-stations sa ‘Heightened Alert’ mula kahapon Oktubre 29, hanggang Nobyembre 4, 2021 upang bantayan ang mga pasaherong bibisita sa kani-kanilang mga pamilya at yumao sa buhay ngayong Undas.

Sa ngayon, payo ng PCG sa mga pasahero na maging mapagmatyag at ireport kaagad sa mga nagbabantay na PCG at PNP personnel’s kung mayroon silang namamataan na may kahinahinalang pagkilos upang agad na maaksyunan.

Facebook Comments