Mahigit 4,000 pulis, naka-standby para magsilbing board of election inspectors sa ilang rehiyon sa bansa

Mayroong naka-standby na 4,429 na mga pulis para maging Board of Election Inspectors (BEI) sa papalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr., kasunod ng inaasahang posibleng kakulangan ng mga itatatalagang BEI dahil sa usaping panseguridad sa ilang rehiyon sa bansa.

Ang mga pulis ay itatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region, Northern Mindanao, CALABARZON, at Bicol.


Ang mga lugar aniyang ito ang may history ng election-related incidents, intense political rivalry at presensiya ng organized crime at partisan armed groups.

Kasunod nito, tiniyak ni Acorda na sapat ang kakayahan ng mga pulis para gampanan ang tungkulin ng BEI dahil sumailalim ang mga ito sa serye ng pagsasanay.

Facebook Comments