Mahigit 40,000 pulis, ipakakalat para sa Eleksyon 2022

Aabot sa mahigit 40,000 na mga pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para sa Eleksyon 2022.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nakahanda na sila sa eleksyon at nasa phase na sila ng “monitoring” sa ground.

Aniya pa kasado na ang latag ng seguridad sa lahat ng rehiyon sa bansa at nakaalerto na ang lahat ng mga pulis na mag-du-duty.


Ipakakalat din daw nila ang kanilang admin personnel ngayong linggo at susunod na linggo upang tumulong sa mga pulis na una nang na-deploy sa kanilang areas of responsibility.

Kaugnay nito, nakabantay naman ang kanilang Regional Special Operation Task Group sa mga lugar na posibleng magkaroon ng intense political rivalry.

Facebook Comments