Mahigit 40,000 pulis sa buong bansa ipinakalat ng PNP ngayong Semana Santa

Umaabot sa 40,283 mga pulis ang idineploy ng Philippine National Police (PNP) ngayong Semana Santa.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, ang mga pulis ay nakakalat sa mga transportation hubs, mga pangunahing daan, tourist spots at mga simbahan.

Sinabi ni Fajardo na ang pagde-deploy ng sapat na bilang ng mga pulis ay upang matiyak ang seguridad at kaayusan ngayong Mahal na Araw.

Simula din noong April 1, nakataas na sa heightened alert ang status ang buong PNP, na nangangahulugang 75 percent na ang deployment ng kanilang pwersa.

Wala na ring pinayagang mag-leave maliban na lamang kung emergency ang dahilan.

Nauna nang ipinag-utos ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang pag-extend ng karaniwang 12-oras na shifting ng mga pulis, kung kinakailangan, batay sa sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar.

Facebook Comments