Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 469,200 doses ng Moderna na binili ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa bansa.
Dakong alas-3 kahapon, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang mga bakuna sakay ng Singapore Airlines flight SQ 912 .
Personal itong sinalubong ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. kasama ang ilang pang opisyal mula sa Department of Health (DOH).
Nakatakda namang mapunta ang 150,000 doses ng Moderna sa mga pribadong sektor sa bansa.
Sa ngayon, paliwanag ni Galvez ay umabot na sa 12.4 milyong mga Pilipino ang nakakumpleto na bakuna sa Pilipinas.
Kabuuan itong 12,460,438 mga Pilipino na katumbas ng 17.59% ng mga dapat na mabakunahan at 11.31% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.
Facebook Comments