Mahigit 400,000 na litro ng langis, nakolekta ng PCG sa MT Terra Nova

Umabot na sa lagpas 402,000 litro ng langis ang nakokolekta mula sa lumubog na MT Terra Nova sa dagat na sakop ng Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 101,603 litro ang nakolekta kahapon habang 121,724 litro ang nakuha noong Sabado.

Sa impormasyon ng kinontratang salvor na Harbor Star, nasa 13,614 liters kada oras ang bilis ng siphoning operations.


Pansamantala namang itinigil ang pagsasalin ng langis mula sa Terra Nova dahil sa pinalitan ang tangkeng paglalagyan ng hinihigop na langis na nasa MTKR Helen Marie.

Samantala, gumamit ng water cannon ang BRP Sindangan para lusawin ang oil sheens o bakas ng langis sa pinaglubugan ng MT Terra Nova.

Facebook Comments