Mahigit 414-K na benepisaryo, nakatanggap na ng educational assistance ayon sa DSWD

Umabot sa 414,482 na benepisaryo ng educational assistance ang nakatanggap ng kanilang ayuda simula August 20 hanggang ngayong araw September 17,2022.

Aabot naman na sa mahigit P1.033 billion ang halaga ng ayuda ang naipamigay ng DSWD.

Pinakamarami sa nakatanggap ng ayuda ay mga nasa college at vocational level na nasa 32.9 percent o katumbad ng 136,349 na students-in-crisis.


Lagpas na ito sa target na 400,000 students-in-crisis beneficiaries, kahit hanggang sa Setyembre 24 pa ang itinakdang huling payout ng kagawaran.

Sinabi naman ni DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez na bagama’t may ilang hamon, maituturing na tagumpay ang naturang programa sa dami ng natulungan nito at matutulungan pa.

Facebook Comments