Umabot na sa mahigit 43,000 pasahero ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan sa bansa apat na araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa pinakahuling datos ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2021 ng PCG nitong alas-12 ng tanghali, nasa 23,234 outbound passengers at 20,070 na inbound passengers ang naitala.
Nasa 1,594 personnel ng PCG ang nakapag-inspeksiyon na ng 241 vessels at 204 motorbancas.
Nananatili naman sa heightened alert ang lahat ng PCG district stations o sub-stations hanggang sa January 5, 2022.
Inaasahang tataas pa ang naturang bilang dahil sa dami ng nagbabalak bumiyahe upang salubungin ang bagong taon sa kanilang probinsya.
Facebook Comments