Mahigit 45,000 indibidwal, inilikas dahil sa epekto ng Bagyong Odette ayon sa NDRRMC

Inilikas ang 45,383 indibidwal o 12,237 families sa region 8 at CARAGA region dahil sa Bagyong Odette.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa kanilang monitoring, 17, 165 indibidwal ang inilikas sa Region 8 habang 22,218 sa CARAGA.


Partikular na isinagawa ang pagpapalikas sa mga indibdiwal na ito sa mga lugar ng Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Biliran, Dinagat Islands, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte at Agusan Del Sur.

Samantala, batay rin sa monitoring ng NDRRMC, may 149 classes at pasok sa trabaho ang kinansela sa region 7,8 at CARAGA.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinasalanta ng Bagyong Odette para agad makapagbigay ng ayuda sa mga apektado.

Facebook Comments