Mahigit 45,000 swab tests, naisagawa sa Navotas City

18

Mahigit 45,000 na mga residente na ang nasailalim sa community COVID-19 testing sa lungsod ng Navotas.

Aabot sa kabuuang 45,979 ang naisagawang swab tests hanggang kahapon.


Nakatanggap din ng 549 na resulta ng COVID-19 testing kung saan 545 o 99% dito ay negatibo habang 4 o 1% lamang ang positibo.

Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan ang mga frontliner at mga residente na nakararamdam ng sintomas ng COVID-19 na makipag-ugnayan sa barangay para sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing.

Ang mga nagpa-test naman ay maaaring i-check ang kanilang resulta sa mga barangay o kaya ay sa health centers.

Facebook Comments