Mahigit 47,000 mga pulis, ipinakalat sa buong bansa sa pagsisimula ng Simbang Gabi

Nasa mahigit 47,000 ang bilang ng mga pulis na ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa ngayong holiday season.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, ipinatupad ang adjustment kaninang umaga kasabay ng pagsisimula ng simbang gabi o Misa de Gallo na inaasahang magtatagal hanggang sa Enero 6, 2025 ang pagtatapos ng Ligtas Paskuhan.

Ani Fajardo, kahit nadagdagan ang bilang ng police deployment, walang anumang seryosong banta na na-monitor ng PNP.


Aniya, bahagi lamang ito ng kanilang pagtitiyak sa seguridad at kaligtasan ng publiko upang masigurong hindi sila malulusutan ng kawatan.

Isa rin sa dahilan nang pagdadagdag ng deployment ng pulis ay dahil mas madaming tao ngayon sa mga pampublikong lugar kasabay nang nalalapit na panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments