Mahigit 4K indibidwal lumikas dahil sa epekto ng bagyong ursula sa Eastern Visayas

Umabot na sa 912 na pamilya o katumbas ng 4,115 indibidwal ang nagsilikas sa Region 8 o Eastern Visayas dahil sa Bagyong Ursula.

Sa ulat ng NDRRMC, nagmula ang mga apektadong indibidwal sa lalawigan ng Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte at Southern Leyte.

Sa Eastern Samar, pinakanakaramdam ng sungit ng Bagyong Ursula ang mga bayan ng: Jipadpad, San Julian at Giporlos.


Sa Northern Samar naman ay ang bayan ng Catarman.

Habang sa Samar, tinamaan ang Catbalogan City, Villareal, Calbiga, Jiabong at Basey.

Sa Leyte, apektado ang Tacloban City, Palo, La Paz, Dulag, Babatngon, Barugo, San Isidro, Isabel, Bato at Baybay.

Samantalang Southern Leyte ay mga bayan ng Padre Burgos, Sogod at Tomas Oppus.

Patuloy naman na nakamonitor ang NDRRMC sa iba pang rehiyon na tinutumbok din ng Bagyong Ursula.

Facebook Comments